Infinito: Salinlahi-Chapter 84

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 84 - 84

Sabay pa silang napatingin sa bata at tila nahihiya naman itong nagbuka ng bibig.

"Maliya ang pangalang binigay sa akin ng kaibigan ko."

Nagtaka naman sina Esmeralda. Bakit kaibigan niya lang ang magbibigay ng pangalan sa kaniya.

"Kaibigan mo? Iyon bang sinasabi mong ililigtas mo? Bakit siya kinuha ng mga aswang, alam mo bang hindi na nabubuhay ang mga nakukuha ng mga aswang, lalo na kapag batang katulad niyo?" Tanong ni Esmeralda.

Mabilis na umiling-iling ang bata at naluluhang nagpaliwanag. " Hindi naman bata ang si Uran, malaki na siya, malakas rin siya pero, dahil sa akin kaya nakuha siya ng mga aswang. Sabi niya, kapalit ng buhay ko ang buhay niya, kaya kailangang mailigtas ko siya."

"Ano bang plano niyo sa batang iyan?" Tanong ni Ador. Si Tina naman ay nasa likod lang ng matanda, tila tinatantiya ang presensya ni Maliya.

"Sa ngayon po,puwede po bang dito muna si Maliya?" Tanong ni Esmeralda. Hindi naman nagdalawang isip si Tatay Ador at agad na sumang-ayon. Nahabag sila sa sitwasyon ng bata kaya naman kumuha ito ng bagong damit at agad na pinaliguan ang bata.

Matapos linisin ang bata ay doon nila nakita ang mga kalmot nito sa braso at mga binti. Ginamot naman ito ni Ador katuwang ang anak nitong si Tina.

"Ano na ang plano niyo niyan?" Tanong ni Tatay Ador nang matapos na silang magtanghalian.

"Bukas lalakad ho ulit kami. Paniguradong hindi muna kami makababalik dito. Hindi pa namin alam kung gaano katagal kami aabutin pero, tutuloy na po kami sa aming misyon." Sagot naman ni Esmeralda.

"Isasama niyo ba si Maliya?"

"Sasama ako. Alam ko ang daan patungo roon. Isang tagong daan na itinuro sa akin ni Uran." Sabad ni Maliya. Sa mura nitong edad tila ba nawala na ang takot aa kamusmusan nito. Ni hindi nito alintana ang panganib na maaari niyang kaharapin. Animo'y ang pagliligtas lang sa kaibigan nitong si Uran ang dahilan ng kaniyang buhay.

Nang gabing iyon ay tahimik silang nagpahinga. Walang aswang na gumambala sa kanila kaya naman naging mahimbing ang mga tulog nila. Madaling araw nang maalimpungatan si Esmeralda nang marinig ang paghikbi ni Maliya sa kaniyang tabi.

Pagmulat ng kaniyang mata ay nakita niya itong nakaupo na habang humihikbi. Tila ba nagising ito mula sa isang masamang panaginip. Agad siyang bumangon at dinaluhan ang bata.

"Mamamat*y ba si Uran, ate? Bakit sa panaginip ko nahihirapan na siya? Nakagapos siya sa puno at sinasaktan siya ng mga aswang. Ate kailangan na natin siyang iligtas, baka hindi na siya magtagal pa." Umiiyak na wika ni Maliya.

Mahigpit na niyakap ni Esmeralda si Maliya. Hindi niya alam kung paano ba pagagaanin ang loob ng bata. Hinaplos-haplos niya lang ang likod nito hanggang sa muli na itong huminahon at makatulog.

Kinaumagahan, hindi pa man sumisikat ang araw ay sinimulan na nilang tahakin ang daan tinahak nila kahapon.

"Dito tayo ate, kuya. " Wika ni Maliya at sumuhot ito sa kasukalan. Matataas na talahib ang naroroon na halos gatao ang taas. Maingat nilang hinahawi ang mga talahib habang binabagtas ang mabatong daan. Tagong-tago iyon at sa maliliit nilang kilos ay hindi gaanong nahahalata ang presensiya nila.

Nang malagpasan naman nila ang mga talahib ay bumungad sa kanila ang maaliwalas na likurang bahagi ng ilog. Tulad ng sinabi ni Maliya, maikling daan iyon patungo sa likod ng ilog kung saan mas malapit na iyon sa kuta ng mga aswang.

"Ate, ang parteng ito ay hindi gaanong tinutungo ng mga aswang dahil sa mga bagay na sinasabi ni Uran. Hindi ko maintindihan kong ano ang mga iyon, basta sabi niya, hindi sila makalalapit dahil doon. "

Dahil sa sinabi ni Maliya ay agad nilang sinuri ang paligid.

"Talagang hindi sila makakalapit, tingnan mo Esme, may mga makabuhay rito at ang isa pang kinatatakutan ng mga aswang ang akonito." Wika ni Liyab at nagtatakang napalapit naman si Esmeralda sa kinaroroonan ng binata.

Tunay ngang maybmga pananim doon na kalimitang iniiwasan ng mga aswang. Hindi lamang kasi ito lason sa kanila, nakakamatay rin ang mga ito lalo na kapag ang nahuli sila ng mga manunugis sa oras ng kahinaan nila.

"Tamang-tama pala ang lugar na ito. Malawak ang espasyong pinalilibutan ng mga makabuhay at akonito. Animo'y sinadya itong itinanim roon.

"Gagawa na ba ako ng masisilungan natin?" Tanong ni Liyab.

"Tutulong na ako Kuya Liyab. Maliya, maupo ka na lang muna riyan para makapagpahinga ka naman." Wika ni Dodong at panabay na silang naglakad palayo ni Liyab.

Naupo naman sa damuhan si Maliya at nagpahinga habang si Esmeralda naman ay naging abala sa pagkuha ng mga bulaklak ng akonito. Hindi pa man niya ito magagamit agad, ay siguradong matutuwa naman si Ismael rito.

Ang bulaklak ng akonito ay isa sa mga sangkap na kailangan ng mga albularyo upang makagawa ng pangontra sa mga aswang. freewēbnoveℓ.com

Nang makabalik naman sina Dodonv ay may mga bitbit na silang mga kahoy, kaya agad naman nilamg sinimulan ang pagtatayo ng magiging silong nila. Apat na haligi lamang iyon at gamit ang kapangyarihan ni Liyab ay gumawa siya ng bubong gamit ang pinagtagpi-tagping dahon ng malalapad na anahaw.

Ilang sandali lamang ay natapos na nila ang simple nilang silong. Manghang-mangha naman si Maliya habang iniikot ang paningin sa silong na iyon.

"Kuya, ang galing naman , parang mahika. Para ka rin palang si Uran. " Sambit ng bata. Napangiti naman si Liyab at hinaplos amg ulo nito.

"Interesado akong makilala si Uran, kaya gagawin natin ang lahat para mailigtas siya. Isa pa, misyon talaga namin na tapusin ang mga aswang na narito. Isasabay na natin ang pagliligtas sa kaibigan mo." Wika ni Liyab at napatango naman ang bata.

"Mula rito, may isang parte sa gubat na ito na makikita ang kuta ng mga aswang. Mataas na parte ito at nasa baba lamang sila. Gusto niyo bang makita?" Tanong ni Maliya.

Agad na sumang-ayon ang tatlo. Kaya naman iniwan nila sandali ang kanilang mga gamit at saka tinungo ang sinasabi ni Maliya.

Pagdating naman nila sa lugar na iyon, manghang-mangha si Esmeralda nang masilayan ang tanawin sa baba. Hindi lamang nila malinaw na nakikita ang kabuuan ng kuta kundi, nasa tagong parte rin iyon dahil sa kasukalan ng mga halaman. Hindi agad sila mapapansin lalo na kung maingat sila sa pagtatago ng kanilang mga presesiya.

Kaya dumaan ang tatlong araw at apat na gabi na ang ginawa nila ay matyagan ang mga ito. Tunay ngang hindi pinapasok ng mga aswang ang lugar na iyon dahil kahit minsan ay hindi nila naramdamang umikot ang presensiya ng mga aswang doon.

Sumapit ang kabilugan ng buwan at doon na nga naghanda sina Esmeralda para sa gagawin nilang pag-atake. Nakahanda na rin ang mga engkantong magiging kasangga nila at halos lahat ng mga ito ay nag-aabang lamang ng magiging hudyat ni Liyab.

Tahimik namang nakaupos si Esmeralda at pinakikiramdaman ang sarili. Sa bawat pag-usal niya kasi ay may nararamdaman siyang umiikot na presensiya sa kaniyang katawan.

"Handa ka na ba?"

Napapitlag pa siya nang marinig ang tanong ni Liyab.

"Bakit, may problema ba, Esme?" Tanong ulit ni Liyab.

Napailing si Esmeralda at tumayo. "Wala naman, tara na. Handa na ako!" Pinagsawalang bahala na lamang iyon ni Esmeralda dahil ramdam naman niyang hindi iyon makakasama sa kaniya. Marahil ay parte pa iyon ng pagkatao niyang unti-unti pa lamang niyang natutuklasan.

Sa paglabas nila sa kanilang silong ay sumalubong naman sa kanila ang iilan sa mga engkanto, nagagawang magkatawang tao para maging kasama nila.

"Nag-aabang lang ang mga kasama natin, nakahanda na rin ang magiging parusa ng hari ng mga aswang. " Wika ni Hagnaya. Nakasuot ito ng pulang damit na pandigma na animo'y sa katutubo. May nakatali ring pulang tela sa kanilang mga ulo bilang tanda na sasabak na sila sa digmaan. Kalis, itak, pana at palaso ang mga nakikita ni Esmeralda na hawak ng mga ito.

"Tayo na!" Wika niya at tinungo na nila ang bahaging tinuro ni Maliya.

Samantala, habang kasalukuyan nang tinatahak ng grupo ni Esmeralda ang itaas na bahagi ng kabundukan, tinatahak naman ni Dodong at Maliya ang ibaba. Nagkukubli naman sa likuran nila sina Hagnaya at iba pang engkantong sumama sa kanila.

"Dodong, natatakot ka ba?" Tanong ni Maliya.

"Hindi, bakit ako matatakit sa kanila, mas nakakatakot ang galit ni ina." Sagot naman ni Dodong.

"Ako rin, hindi ako natatakot. Sabi kasi ni Uran, hindi ko kailangang matakot sa kanila, dahil mabababang uri lang sila!" Wika ni Maliya.

Natawa naman si Dodong at makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang bungad ng kuta ng mga aswang.

RECENTLY UPDATES